Pakinggan sa On the Record, ang podcast ng Philippine Center for Investigative Journalism. Produced by Robert JA Basilio Jr. Credits: Spy Funk by Quincas Moreira (Audio Library, YouTube) and jeepney sound effects by Kevin Luce (freesounds.org)
 


Ngayong katapusan ng Marso 2021, dapat ay  nakasali o nakabuo na ngcooperative ang lahat ng mga may-ari ng pampasaherong jeep sa buong Pilipinas.  Ito ay ayon sa deadline na itinakda para sa tinaguriang “consolidation phase” ng Public Utility Vehicle Modernization Program o PUVMP na inilunsad ng gobyerno noong Hunyo 2017. 

Nais ng programang ito na maipatupad ang “one-route, one-franchise system” para sa mga sasakyang namamasada, tulad ng jeepney. Ibig sabihin, sa halip na isa-isa ang pag-issue ng franchise kada isang jeepney operator, ito ay ipagkakaloob na lamang sa isang cooperative na ang mga miyembro ay driver at operator. 

Sa ganitong paraan, mas magiging efficient ang pamamalakad sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB, ang tanging ahensya na nagbibigay ng permit para sa mga pampasaherong sasakyan. 

Ayun sa mga nakapanayam ng PCIJ, kulang-kulang 2,000 ang empleyado ng LTFRB sa buong bansa. 

Umaabot naman sa halos 200,000 ang franchise na kanilang pinagkakaabalahan — at ito'y sa jeep lamang at hindi pa kasama ang mga bus, taxi, UV Express, at ang mga TNVS. 

Ang consolidation o pagsasanib ng jeepney franchises ay makabubuti rin daw para sa mga driver at operator. 

Dahil nag-consolidate na sila sa isang cooperative, mas magkakaroon sila ng pagkakataong humiram sa bangko para makabili ng mga modernized jeepney na magiging kapalit ng kanilang traditional na pampasada. 

Mas maginhawa daw para sa pasahero't driver at mas nakakabuti sa kapaligiran ang modernized jeepney. 

Ang tanong: Ito na ba ang katapusan ng traditional na jeepney, ang tinaguriang Hari ng Kalsada?


READ MORE PCIJ STORIES

'They treated me like I murdered someone': Lockdown arrests mark 1st year of PH pandemic response

Art festival amid a pendemic? Baguio creatives disagree over how to spend city financial support

Pandemic exacerbates challenges in K to 12 program as DepEd's subsidies fall short

Seniority favors Bernabe to become next chief justice, but will Duterte honor it?


Follow PCIJ on FacebookTwitter, and Instagram.