A LOT has been said about the popularity among Pinoy televiewers of foreign telenovelas, these days, especially, of those produced in Korea. People do not only watch the programs; they talk about them in blogs and online forums, and academic studies have been written tracing the history of when such programs came to our shores, and how they have managed to captivate our hearts.

Fanny A. Garcia, teacher and award-winning writer, adds her voice to the scrutiny. In a paper she read at a recent seminar at the De La Salle University, whose Filipino department she heads, Garcia dissects the Korean telenovelas that have swept Filipinos off their feet.

Why do Pinoys love Korean telenovelas, or K-dramas as she calls them? What satisfaction do Pinoy audiences derive from watching “Only You,” “Lovers in Paris,” and “Jewel in the Palace?” Garcia, in an essay written in Filipino, gives answers to these questions, among others.

In the end, the writer says, Korean telenovelas make Pinoys laugh and for this, she celebrates them.

Having a good laugh from a 30-minute telenovela, the writer says, is a mechanism that helps Pinoys get through one crisis after another that, often, feels “as fantastic as a telenovela plot.” Korean dramas help Filipinos survive political crises, natural disasters, and the empty promises of politicians and the media, Garcia writes.

Walang masama sa paglilibang. Hindi ito isang escapist act. May silbi at gamit ang isang Korean telenovela, o anumang pelikulang nakatatawa, o anumang akdang pansumadali’y magpapatawa sa iyo.

Sa hirap ng buhay, e ano ba naman kung marinig mo ang sarili na sa loob ng tatlumpung minuto, bawasan mo pa nang dahil sa sangkatutak na komersyal, mula Lunes hanggang Biyernes, ay napapahagalpak ka ng tawa. Pagkatapos naman niyon ay babalik ka sa iyong pagiging katulong, tindera, labandera, sekretarya, guro, researcher, etsetera, etsetera. Hindi kayang tabunan, iwaksi ng 30 minuto, o mas kaunti pa dahil sa sangkatutak na komersyal, ang tunay na realidad ng iyong mismong buhay. Kaysarap marinig ang iyong sariling boses na napahahagikgik ka, napahahagalpak ka ng tawa.

More than entertaining viewers, however, these telenovelas can also be an educational tool, says Garcia.

She refers to the results of an online survey that asked precisely why the users loved Korean dramas. The respondents gave variations of three answers: simple and interesting stories; lovable characters; and good performances from the actors. The more important insight from the survey, according to Garcia, was that the viewers appreciated the lessons being imparted by the dramas: lessons about Korean life and culture, relationships, and values such as patriotism.

Garcia notes:

Sa pangkalahatan kung gayon, mahalaga’t kapaki-pakinabang na aktibidad ang panonood ng K-dramas. Hindi lang ito paglilibang kundi edukasyonal pa nga: pag-aaral tungkol sa buhay, pagiging malay sa iba’t ibang kultura.

Hindi man malawak at malalim ang kaalamang naihahatid sa pamamagitan ng telenovelas, sapagkat nakapaloob ang telenovelas sa pop culture at sa midyum ng TV, mas buhay na buhay na nailaladlad ang kultura, na ang impact at impluwensya ay singlakas, kung hindi man mas malakas pa nga kaysa mga librong nakapaloob sa isang pormal na sistema ng edukasyon. At sa isang mahirap pa ring bansang tulad ng Pilipinas kung saan ang edukasyon, kahit pa sa primarya man lang, ay isa pa ring pribiliheyo sa halip na pantay na karapatan ng mga mamamayan, ang napakapopular na telenovelas, sa puntong ito ng ating buhay-bansa ay K-dramas, hindi lang enterteynment ang telenovelas, isang paaralan na rin ito sa katunayan.

“A telenovela media”

But telenovelas do not pretend to be more than what they are, Garcia says.

Sa K-dramas, alam na alam naman ng mga manonood na K-dramas ang pinanonood nila bago, habang, at matapos ang panonood. At ang malay na pagkaalam na telenovela lang ang pinanonood ay ang siyang marker ng manonood na hindi naman talaga totoo ang kanyang pinanonood. Ang mas malaking problema ay kung ang midya, sa pangkalahatan, ay nag-aalok sa kanya ng mga ideyang mala-telenovela sa pagiging fantastic.

For example, Garcia writes, the President has said that for the country to be able to play well in the global call-center industry, it will have to be competitive in the English language. After such pronouncements, Garcia recalls, various schools then went on a promotion binge selling themselves as the best English-language educators in the country. The labor secretary then proposed to the education secretary that English should now be made the official language of instruction in all schools. Garcia is incredulous, and says such are the makings of a fantasy.

Kung paano naging sagot ang call centers sa pag-unlad ng ekonomya ng bansa, kung paanong ang English ay karapat-dapat daw na wikang panturo, iyan ang pantasyang malatelenovela na wala sa parametro ng telenovela.

She likewise criticizes television news, and, in general, how the media are being used to peddle dreams to the poor:

At padami nang padami ang telenovelas sa ating TV programming. Sa newscasts na lang, nagbabalita man ng tungkol sa masaker, reyp, sunog, tsunami, kudeta ay bakit kaya nakangiti ang mga ibang nagbabalita, tila nagpapakyut na mga artista o commercial models kaya? May naturingang malalaking pangalang brodkaster na nakaismid, o mapakla ang boses — gayong naghahatid lang daw ng balita. Pansinin din na kapag may isyu, bakit ang mga iniinterbyu ay kayrami sa isang panig, at kayhahaba ng mga sinasabi?

Sa midya, maraming alok ng kung ano-anong pangarap at pantasya sa ating mga mamamayan — mula sa ating mga lider ng bansa na alam na alam gamitin ang midya para sa kanilang kapakinabangan, mula sa media practitioners at media owners na alam na alam gamitin ang midya para sa kanilang kapanibangan.

Sabi nga, mabuti pa ang telenovelas sa pagiging matapat, Telenovelas lang kami, no!

Still, while Garcia celebrates the role that well-made K-dramas play in the life of the ordinary Pinoy, she remains critical of what she says are their shortcomings.

“Only You”: A critique

Garcia takes a close look at one particular telenovela, called “Only You,” that was shown over ABS-CBN early this year. “Only You” is set mostly in Venice, Italy, and tells the love story of a young man and a young woman who have to wait for many years to finally be together; first they will have to be kept apart by many things, including the desires for them of another man and another woman. (See synopsis and episode guide in ABS-CBN’s website.)

Garcia begins her critique of “Only You” by noting its popularity: “Marami man sa respondents (ng online survey) ang gustong-gusto ang Only You, maraming puna, pintas, atake ang maibabato rito.”

The writer notes weaknesses in the character of the female lead:

Mahusay na chef si Jillian, may treyning pa nga sa Venice, bakit hindi niya magamit sa pagbuhay sa sarili? Siya ang super chef — basta nagtatrabaho siya sa Italian restaurant na mina-manage ni TJ; basta pinalayas siya sa Italian restaurant ng kontrabidang si Ate Dina, o lumayas siya sa sarili niyang desisyon, wala na siyang special skills, kontento na siya sa pagiging weytres, dishwasher, tagalinis ng gulay … Si Jillian ay walang obhetibong imbentaryo ng kanyang mga kahinaan, lalo pa nga ba ng kanyang mga kalakasan upang maging survivor, lalo pa nga at siya’y isang single motherna inaapi-api pa ng kanyang hilaw na in-laws: ang ate at ang ama ni TJ.

Bakit din pabago-bago ang isip ni Jillian? Kapag nag-iisa siya’t kinakausap ang sarili, alam na alam niya kung ano ang gusto niya (mahal niya si TJ), kung ano ang gusto niyang gawin ni TJ (ipaglaban siya, silang mag-ina, kung hindi posible ang lahat ay magpakalayo-layo na lang sila). Pero basta magkaharap na sila ni TJ, si TJ na lagit laging sinasabing mahal nito si Jillian kahit pa hindi nila naging anak si Joshua (at sigurado akong maraming babae sa tunay na buhay ang kikiligin diyan!), kapag sumusumpa si TJ na mahal na mahal nito ang kanyang mag-ina, at tatalikuran nito ang lahat-lahat (ang kanyang ate at ama, ang siya bilang tagapagmana ng isang business empire), walang reaksyon si Jillian kundi ilan sa mga ito: walang kibo at basta lang iyak nang iyak, o susumbatan pa si TJ na ginagamit lang sila ni Joshua para hindi ito magka-guilt feelings nang dahil sa anim na taong pagkahiwalay sa mag-ina, o kayay itutulak pa ni Jillian si TJ sa pagsunod sa kagustuhan ng pamilya na si Trixie ang pakasalan nito. Hindi nakapagtataka na isang babaeng respondent ang nagsabing ang tanga-tanga ni Jillian, aping-api na nga si TJ sa ganitong pagdededma ni Jillian kay TJ, kung masasampal lang daw ng respondent si Jillian!

The other female lead, Trixie, fails Garcia’s feminist standards as well:

Ang maganda’t career woman naman na si Trixie ay hindi lang basta umiibig kay TJ: bulag, sakim, irasyonal, mapangwasak ang kanyang pag-ibig. Sa paghahangad na magtagumpay ang kanyang pag-ibig kay TJ, winawasak niya ang buhay ng kanyang mismong pinakamamahal (TJ), ng mga taong wala namang ginawang masama sa kanya (Jillian at Joshua), winawasak niya ang kanyang mismong katinuan. Ang kanyang pag-ibig ay obsession, fixation. Sa pananaw-feminista, ano ang silbi ng paglaya sa economic bondage ng isang career woman kung nananatili siyang nakakadena, sa katunaya’y siya pa mismo ang nagkakadena sa kanyang sarili, sa isang makitid na depinisyon ng isang makabuluhang buhay: Ang buhay na kasama ang lalaking iniibig at iniibig din siya. Ang tradisyonal na paniniwalang kung walang lalaki sa buhay ng isang babae, bigo pa rin siya, matagumpay man siya sa kanyang career o anupaman. Nang hindi nirereject ang importansya ang romantikong pag-ibig, ang feministang pagtingin ay ang pagiging makabuluhan ng sariling buhay para sa sarili, para rin sa iba. Sa kaso ni Trixie, maganda’t matagumpay na career woman na siya ay bigo pa rin siya sa tingin niya dahil bigo siya kay TJ. Sa feministang pananaw, ang mga katulad ni Trixie bilang mga tauhan sa mga akda, o bilang mga babae sa tunay na buhay, ay dapat ireinvent bilang babaeng marunong tumanggap ng pagkabigo sa pag-ibig dahil alam niyang ang kanyang pagiging indibidwal, ang kanyang pagiging babae ay hindi basta nakasalalay lang sa afirmasyon ng partikular na lalaking inaalayan ng pag-ibig, o ng Lalaki/Patriarki.

Moreover, Garcia writes, the story’s resolution of the “class conflicts” (makauring tunggalian) among the main characters feels “rushed.”

All’s well that ends well? Itanong sa mga Marxista kung posible ang class reconciliation. Ang posible lang ay class transformation at ito ay isang mahirap, matagal na proseso ng pagtalikod sa iyong uring pinagmulan at kinapapalooban tungo sa pagiging proletaryo.

Other studies on Korean telenovelas

It is not at all surprising that Korean telenovelas are getting such focused attention from scholars of Pinoy culture. Garcia is not the first to have attempted to explain their popularity, from the time that the Mexican telenovela, “Marimar,” first made waves here in the mid-1990s, to when Chinovelas, especially “Meteor Garden” with the hugely popular Taiwanese boy group, F4, made audiences swoon. (During its 2003 run, the show was consistently getting a 50- to 60-percent audience rating every episode.)

At a recent international conference held in Seoul, dubbed, “Cultural Space and Public Sphere in Asia”, Ma. Crisanta Flores of the University of the Philippines shared her own study about the phenomenon of telenovelas.

Flores said:

(Korean telenovelas) are short soap operas that have simple plots and few characters. Filipino telenovela audiences have been tired of perhaps bored of the long-playing soaps with new characters popping out in the middle of the story. Koreanovela is able to sustain the viewer’s attention and enjoyment because it has less storytelling frills, no subplots and does not suspend emotional scenes unlike the previous telenovelas.

What Filipinos love about Koreanovela is its fast-paced story, its very good editing and blocking which is a directorial job, and its minimalist but engaging dialogue. Of course, the Koreanovela is dubbed in Filipino but if the translation approximates the original, the dialogue is less wordy yet very succinctly put. Lately, the Filipino audiences are offered a variety of Koreanovela – from the tearjerkers Endless Love, Green Rose, and Stairway to Heaven, the light and comic Lovers in Paris, Oh Feel Young and Full House, to the historical Koreanovela Jewel in the Palace. Filipinos as well love the musical soundtrack for instance of Stairway to Heaven and the snowcapped setting of Endless Love winter sonata. One Filipino after watching an episode of Endless Love winter sonata quipped, “suddenly I feel cold under a tropical sun”. Filipinos’ wish list will always include an experience with snow or winter.

Another study, this time by the Philippine Institute of Development Studies or PIDS, hypothesizes about the success of telenovelas, or what it calls “hybrid foreign-produced programs.”

The success of this soap opera genre, the December 2005 study says, can be attributed to “four combined qualities:”

(1) it is dubbed in Filipino which can easily be understood by the masses;

(2) it features mestizo and mestiza actors, fulfilling the colonial fancy of Filipino viewers;

(3) it depicts pre-modern, folk themes and settings; and,

(4) it costs lower for the television companies than to produce their own television series since they only need to dub the series in the local language.

Using 2004 data, the PIDS study noted that a significant proportion of programming in the two biggest networks in the country is devoted to foreign telenovelas: 27-29 hours a week, or 19-21 percent of total air time for ABS-CBN; and for GMA, 30-32 hours a week, or 25-27 percent of air time.

The PIDS views the continuing penetration of these hugely popular, foreign-produced telenovelas as among the threats to the local television industry.

(Fanny A. Garcia’s essay, “Ang Mangarap nang Gising sa Only You at mga Katulad na Korean Telenovela at sa Ating Telenovelang Midya,” will soon be published in a book. Garcia is also the author of “Erick Slumbook: Paglalakbay Kasama Ang Anak Kong Autistic”)

(Click here or here for Ma. Crisanta Flores’s paper, and click here or here for the PIDS study. This is a piece written for the National Commission for Culture and the Arts about the way telenovelas have altered the landscape of Pinoy TV.)

26 Responses to Studying the Pinoy’s fascination
with Korean telenovelas

Avatar

scud_1975

May 14th, 2006 at 2:43 am

“Why do Pinoys love Korean telenovelas, or K-dramas as she calls them? What satisfaction do Pinoy audiences derive from watching “Only You,” “Lovers in Paris,” and “Jewel in the Palace?”

-Simple lang ang sagot dyan..dahil iyan ang isinusubo ng ABS-CBN at GMA sa mga Pilipino para panoorin. Kahit pa Mexican telenovela, Korean telenovela o African Telenovela pa yan, sa tindi ng promotion at advertisement ng malalaking Media companies siguradong tatangkilikin yan. Maniniwala ba tayo na binibigay nila yan para pasayahin ang mga pinoy, o makalimutan ang problema, o sabi nga ni Wille Revillame para matupad ang mga pangarap? No!! Dahil yan sa ratings, dahil yan sa profits, dahil yan sa viewership..naguunahan sa pagiging No.1. Hindi natin masisi ang mga kababayan natin maadik sa mga imported telenovelas, kung kami nga na lahat brusko sa barko natapos ang kwento ni Betty La Fea at Endless Love ni Johnny at Jenny na may kasamang kilig dahil talagang nakakaadik. Totoo nga naman na ibang iba kung ikukumpara sa mga Pinoy soap opera na pare-pareho ang istorya..si mahirap at mayaman, tutol ang magulang, paglalayuin, makakahanap ng iba pero magkakabalikan..susmaryosep, wala na bang iba?

Hanggang pinuproteksyunan ng Konstitusyon ang malalaking midya gaya ng ABS-CBN at GMA, tanggap na lang tayo ng tanggap kung ano mang basura ang gusto nilang ipalabas. Alisin natin ang foreign ownership restriction na nakasaad sa Konstitusyon at hayaang makapasok ang gaya ng Time Warner na pinakamalaking media company sa buong mundo para maturuan sila ng leksyon at bigyan tayo ng makabuluhang programa. Iba na kung maraming pagpipilian.

Avatar

baycas

May 14th, 2006 at 8:34 am

ang nakikita kong bentahe nito…napapanatili kahit paano ang magandang samahan ng amo at kasama sa bahay. isang paraan na naman ito na mapagbuklod ang mga miyembro ng tahanan (lalo na sa bahay ng may-kaya).

hindi lang kasi sa panonood ng mga ito ang nakatutuwa. sa maaaring pag-usapan ukol dito ay siya ring nakaaalis ng lungkot sa pang-araw-araw na gawain. ‘yun bang pareparehong may inaabangan, pinagtatawanan, pinag-uusapan ang mangyayari o nakaraan, pinagdedebatehan ang ilang kontrobersya sa istorya, pinauunawa ang mga piling eksenang di naintindihan, pinakukuwento ang mga di napanood, ang bidahan na mas maganda ang istorya ng bagong ipinapalabas sa mga naunang napalabas na o ang tsismisang mas maganda si ganito at mas guwapo si ganire, at samu’t sari pang iba.

haay, nakatutuwang isipin na ang istriktang si ma’am ay nagtatanong kay inday kung ano na ang nangyari nang siya’y umihi panandali. nakatutuwa ring isipin na ang mali-maling si yaya ay biglang mag-aupdate kay ate ng di-napanood pagdating nito mula sa trabaho.

may nabibili nga palang dvd set ng mga koreanobela kaya may mga nakakapanood na ng mga ito bago pa ipalabas sa telebisyon o kung hindi man ito ipapalabas. puwede mo na rin tuloy panoorin and mga na-miss mong magagandang k-drama.

doon naman sa mga nakakapag-internet, puwede mo na ring mabasa ang buod ng istorya.

kung ang ilan ma’y mapag-iisa ng isang bagay gaya ng koreanobela (lalo pa’t kung ang mayayaman at kasambahay), eh, hindi na masama…

huwag mo lang agawan si sir o si kuya sa telebisyong nakatutok sa nba sa mga panahong ito…

Avatar

Toro

May 14th, 2006 at 8:51 am

Ang pagpasok ng mga foreign telenovela dito sa atin ay sa kadahilanan na mas higit na makakamura ang producers ng local TV shows kaysa magproduce ng sariling telenovela sapagkat napakalaki ng production costs. Sa totoo lang, labis labis ang kinikita ngayon sa mga foreign telenovela at dahil sa taas ng rating mas marami pa ang commercial sponsors.

Avatar

ryebosco

May 14th, 2006 at 10:44 am

Puede din bang tawagin na “braindrain” ito? Alam na nga ng mga humahawak sa bansa na maraming pulube, gutom at mga walang pag-asa sa buhay, tapos mga korning katarantaduhan na telenovelas ang pinapakita.

Kung ako ang diktador, magsisimula ako ng CNN–Corruption Network News, a non-stop investigative program. Tapos, puro History, Discovery and A&E Channels. Abolish ko ang “Pilipinas Game Ka Na Ba” at “Wowowee.”

Avatar

mowa

May 14th, 2006 at 11:05 am

ang kumikita tv station at korean films , mag wowoweee at game ka na ba’ na rin kayo mga artistang pinoy baka manalo kayo!!!

Avatar

naykika

May 14th, 2006 at 2:56 pm

kong ako dapat iabolish yang host nang WOWOWEE. Isipin mo ipinagpilit itanong sa mangabata kong ano trabaho ng tatay nila. yong iba di makasagut at bandang huli kandaiyak dahil mayroong manga bata masama and naranasan sa tatay nila, mayroon hindi nakita ang tatay nila, at mayroon naman na di alam kong sino ang tatay nila. kong hindi gago ito si Revillame na ito, ‘bat hindi muna alamin ang situation bago itanong?. hindi ba nya alam kong ano ginagawa nya sa manga bata yon?? paano mo masabi naerespeto mo ang “privacy” of a child, if that is the line of questioning?

Avatar

mowa

May 14th, 2006 at 3:10 pm

kapag nawala pa ang game ka na ba at wowoweee puro koreans mexican, taiwan novela na lang ang mapapanood sa mga tv at mga advertizement. sa umaga puro mga bakla naman mapapanood mo .saan nyo na lang ba gusto dalhin ang pilipinas kayo kayo na lang mga rich ang makakapanood ng cable and satellite movie .pano silang mga poor?

Avatar

freewheel

May 14th, 2006 at 3:30 pm

isang pagkilala at pagkumpirma ito na ang mga telenovelang gawa sa Korea ay kaaya-aya sa panlasa at imahinasyon ng mga manunood.

walang dapat ipagpaumanhin dito ang ganang akin. higit naman kasi ang kalidad, sinematograpiya, kuwento, emosyon at iba pang detalyeng nagbibigay linaw sa isang paksa-kung ihahambing mo ito sa telenobelang halatang kulang sa preperasyon, pananaliksik, at higit sa lahat materyales.

ang isang palabas; mapa-telenovela, lunchtime show, dokumentaryo, o balita man- ito ay isang uri at bahagdan ng sining. bilang isang sining, nangangailangan ito ng masusing pagsasa-ayos ng mga bagay-bagay upang maging tugma sa pinapatampok na kwento at salaysay ng mga manunulat sa pamamagitan ng mga gumaganap.

kinikilala natin lahat, na ang sining ay repleksyon ng isang malalim na kultura (depth of culture) at ang mga telenovelang gawa mula sa kanila ay nagbibigay hindi lamang kasiyahan bagkus isinasalamin dito ang lalim ng kanilang mga kaugalian, at tradisyon. nagkakaroon ng pagkakataon ang manunuod maka-silip sa isang kulturang maunlad, malalim, at mapang-hamon.

bakit maunlad; and kulturang korea ay may isang napakahabang prosesong pinagdaanan. halos kasin-tanda ito ng kulturang intsik, lamang pa nga sila dahil sa kanilang homogeniti (homogenity) at topograpiya.

bakit malalim; ang mga koreano ay kinikilala bilang isang mga mahuhusay na panday, manggagawa, artisan at manunulat. marami sa kanila ang mga naka- pangibang bansa na din at mahusay ang kanilang pagkakapaloob sa bansang kanilang kinikilalang bago nilang tahanan.

bakit mapang-hamon; kapansin-pansin ang masinsin na pagkaka-angkop ng kanilang lokal na kultura at kanluranin (western) sa pananamit, gamit sa bahay, mga moseleyo at templo, mga hardin, ang pagsisilbi at paghahandog ng tsaa sa mga bisita o kamag-anak.

higit sa lahat, wala pa akong napanood na serye nito na ang lente ng mga kamera ay may nasagap o nakunang mga sasakyan na hindi nila gawa, kapag ang gumaganap ay lumalabas ng mga gusali at napupunta ang eksena sa mga kalsada. lahat ito ay made in korea.

ang sining sa palagay ko bukod sa salamin ito ng isang kultura, ito ay kinikilala at tinatangkilik ng lahat dahil sa husay at simpleng ganda nito. ilalabas ko ang paghanga sa isang obrang pinaghandaan kontra sa malabnaw at salat sa pananaliksik na palabas. mapa koreano, arabo, indo, aleman, o gawa ninuman.

ang pagtangkilik at pagpapadama ng kasiyahan ng masang Pinoy sa mga ganitong palabas, ay hindi isang kolonyal mentalidad gaya ng isip ng iba bagkus ito ay isang matingkad na ehemplo na ang masang Pinoy ay marunong kumilala kung ano ang sining kontra sa basura, ano ang angkop sa kanilang imahinasyon kontra sa imposisyon ng walang awang sigawan, murahan at panlalait ng lokal na teledrama.

huwag mgangamba, hindi lang Pinoy ang nahawaan at impluwensyado ng palabas na koreano, itoy patok din sa bansang Japan, Taiwan, mga bansa sa Sentral Asya, at sa ilang bahagi ng Rusya!

isang tagay, sa isang sining!

Avatar

Cecile Impens

May 14th, 2006 at 4:29 pm

We never ask the questions on “what these telenovelas and other tv show junks could offer us? Just to past out time, a sort of diverting our attention from the monotonous life we have?
With so many channels to choose from, yet finding informative and educational media material is scarce! Many Filipino children are spending time watching shows not suited for them. Sex and violence are showed even on primetime slots! Television can be a source of education our youth of today needs badly: media releases that made the subjects on science, history, geography, travel, and why not environmental conservation related issues? These are the things we really need, as we don’t have enough reading materials that dealts on these subjects!
It is true that telenovelas can show us the way of life, culture and tradition of other countries, giving us the feeling that we travel to this far distant places, meeting their people and understanding their culture. But in a sense, too much viewing of these foreign materials will only made us felt that we really lagged behind, that we forgot that we our feeding ourselves the education and information we never need. The local/national television should provide materials that could fill our lack of awareness on certain matters in life. Young or old, it is never too late to learn, as we learn something new everyday! Made television a source of this!

Avatar

chekwa

May 14th, 2006 at 5:17 pm

hayaan na lang natin ang ating mga kababayan na manuod ng mga Koreanobela na yan kasi di naman nila kayang magbayad ng cable channels. I personally disagree na alisin yan, ano na lang ang magiging kasiyahan ng mga kababayan natin? Manuod ng newscast ng puro patayan, pulitika at kung anu-anong depressing stories ng bansa.

My son doesn’t watch tv unless it’s from the cable channel, he learns a lot i must admit, pero pano na lang ang mga ordinaryong tao na can’t afford ika nga. May guidelines naman ang MTRCB kaya siguro naman kahit paano, may positive lessons ang mga Koreanobelang yan.

As for Wowowee, i happen to have TFC in my house, and sa mga oras na nakakapanuod ako ng show na yan, i can’t help but shed some tears. Bakit? Nagiging malaking tulong sa kanilang hirap na pamumuhay ang halagang P1,000.00 sa elimination round. Bakit matutuwang magbigay ng hard earned money ang mga balik-bayan kung alam nilang sa wala lang mapupunta ang pera nila? Aminin natin o sa hindi, may natutulungan ang show.

Don naman sa topic na pagtatanong sa mga bata tungkol sa tatay nila, i think i’ve seen that show ang nag-apologize si Willie, Sinabihan nya pa nga ang mga staff na sana orient muna sya kapag may mga ganong cases. I’m not a pro-Willie, don ako sa mga taong handang tumulong and i’ve noticed that Willie is one of them. Kahit nga yung mga walang ngipin, pinalalagyan nya ng pustiso.

So much for my comment, give Filipinos a break! Let them breath, kung yon ang panandaliang makakapagpasaya sa kanila, why not allow them. Ganon naman talaga ang buhay, saglit ka lang sasaya pero at least naramdaman mong masaya ka. Let’s all be happy for our fellow kababayans na kahit pano, may nag-iisip para sa kanila na magbigay ng kahit konting saya.

GOD SAVE THE PHILIPPINES!

Avatar

mowa

May 14th, 2006 at 6:53 pm

total ang mga taong tulad nyo na mga rich at royalness royal blood at kung ano ano pang bloodness kayong mga rich ay di na nonood at di nag aaksaya ng panahon para panoorin ang game ka na ba at wowoweee ay pabayaan nyo na lang sa mga poor people anyway wala naman din kayong maitutulong kundi mamintas . ipikit nyo na lang ang inyong mga mata pag oras na ng wowoweee at game ka na ba .ipihit nyo sa cable or sattelite ang inyong tv presto wala na kayong paki ano man ang palabas sa pilipinas.

Avatar

primo

May 14th, 2006 at 8:50 pm

dalawang bagay lang.. yan..

una, marunong ng pumili ng gusto nila ang mga pinoy (or natuto na ang karamihan sa pag pili).. isipin na lang ninyo kung paano nag tiis ang karamihan sa pinoy sa pag subay-bay nila noon sa mga teleserye na kanilang sinusubaybayan. taon ang lilipas bago matapos ang isang telenovela na kung susumahin mo eh napaka simpleng storya lang naman ang mga yun.. dapat pa bang mag tiis sa mga panahon na ito? at least natututo na tayo.. at alam na din natin kung niloloko at pinaglalaruan lang tayo ng mga pinoy script writers, directors, producers.. etc., tsk tsk tsk..

ikalawa, tama, pang kondinsyon kasi yan ng kaisipan ng pinoy lalo na sa masa.. kung walang mga k dramas siguro matagal ng sinugod ng mga tao ang malacanang! now, kung talagang gustong pa igtingin at pag alabin galit na namumuo sa bawat isa sa atin sa mga panahon na ito tanggalin yang mga yan (k dramas) at paniguradong sa kalye patungong malacanang ang bagsak ng bawat pinoy na gusto ng palitan ang kasalukuyang rehimen na ito….. pansinin nyo nag dadalawang isip ang malacanang sa pag take over ng tv network nung kasagsagan ng 1017 proclamation…

napaka simple diba?

Avatar

jr_lad

May 14th, 2006 at 10:05 pm

tama ngang bago ang mga korean and taiwanese telenobelas nauna munang nakahiligan ng mga pinoy ang mga mexican telenobelas pangunahin dito ang phenomenal na “marimar” if people can still remember. at magugulat kayo dahil nauna etong ipinalabas sa govt channel (rpn-9). it was an instant hit w/ filipinos. and the reason why pinoys loved it? style pinoy. the “class conflicts” mentioned above. inaaaping mahirap laban sa mayaman na pagdating sa huli ay napunta sa itaas habang ang kalaban naman ang napunta sa ibaba. the normal filipino story pinoys loved na ang ending ay the usual “and they live happily every after”. pero ang pangunahing dahilan kaya nag-click eto sa mga pinoy ay dahil sa nabanggit sa itaas na fast-paced story neto (lahat ng tatanungin mo ay eto ang isasagot) kumpara sa usad pagong at maraming komersiyal na mga pinoy telenobela noon. kaya naman ginaya eto ng mga locally produced pinoy telenobelas bandang huli.

ang success ng “marimar” ay nasaksihan ng dalawang dambuhalang istudyo kaya nila ginaya eto. doon nag-umpisang magsunuran ang maraming mexican telenobelas bago ngayon etong galing sa mga karatig bansa naman. maybe next time ipapalabas na rin nila ang mga indian telenobela na puno ng sayawan at kantahan (nauna na nga ang sayaw). isunod na rin yung mga nepalese, bangladesh at maybe egyptian telenobels. :) ang nakapagtataka lang, halos lahat ay tinatangkilik ng mga pinoy. parang walang masamang tinapay ikaw nga. tama nga sigurong naghahanap lang ang pinoy ng outlet para malibang.

mahigpit ang MTRCB sa mga palabas sa bansa. kahit sa mga cable channels ay binabantayan 24 oras ang mga palabas na may temang sex and violence which is okay lang para sa akin. ngayon naman, etong mga palabas na tingin nating mga magulang ay hindi maganda para sa ating mga anak, diyan palagay ko papasok ang parental guidance na sinasabi. dapat nasa magulang ang responsibilidad sa pag-iimplement ng limited exposure para sa kanilang mga anak. makikita nyo pag nasanay ang mga bata sa makabuluhang palabas, eto ang hahanapin nila.

Avatar

lutongmakaw

May 14th, 2006 at 11:35 pm

I don’t know why the issue of broadcasting korean telenovenas, taiwan or any other sitcom or episode/movies be of so much concerned. Ours is a free country and our constitution clearly provided for that and all Filipinos have been fighting or had fought/sacrified its life for every period and comma’s to have that kind of freedom. Filipinos are given a free choice of what to watch and what to broadcast as long as these are within the bounds of law.

If our local producers cannot provide that same kind of quality stories, plot & scripts to attract the local viewers, then it is their own making.

In the same manner, if Filipinos failed to fight for its freedom against a tyrant oppressor like what we have now, then it is because it is our own making.

Avatar

Jon Mariano

May 15th, 2006 at 11:38 am

You said it right Lutongmakaw. There’s supply of korean tv novelas because there is demand. Even here in Hong Kong, it’s a hit. When the korean soap opera stars come for a visit, they’re treated as superstars! They(k tv producers) must doing something right!

Avatar

stoxbnx3

May 15th, 2006 at 12:35 pm

i’ve watched those korean dramas a few times and i can say that they’re a lot better than our own soaps–better scripts, better productions, better acting.

filipinos have grown tired of soaps churned by our own networks, most of which have/are
(1) similar plots (rich boy falls for poor girl, the rich boy’s parent harrass the
girl, and then the girl finds out that she is rich after all)
(2) too many unnecessary characters just to make room for actors and
actresses that the network wants to endorse
(3) stretched too long to take advantage of the show’s ratings even
though the story has ended. as a result, paikot-ikot ang kwento.
(4) artistas that are good-looking but are not really fit for the role.

now don’t blame us if we prefer watching foreign shows and movies.

Avatar

mowa

May 15th, 2006 at 12:52 pm

kung nasa foreign country kayo napapanood nyo mga foreign films and movie pag nasa pilipinas kayo hate kayong mapanood mga dramas , novela, pinoy drama. double standard kasi kayo mga ipokrito.

Avatar

short_talk

May 15th, 2006 at 1:47 pm

di ako mahilig sa tv, so ang aking ibabahagi ay isang obserbasyon lamang base sa aking pagmamasid-masid. nung nakaraang pasko, dumalaw ako sa mga kamag-anak ng nanay ko sa bicol upang duon magbakasyon. napansin ko na walang ibang pinapanuod ang karamihan sa mga tao dun kundi mga ABS-CBN shows. nung tanungin ko mga pinsan ko kung bakit ABS-CBN lang ang kanilang pinapanuod, ang sagot sa akin ay tanging ABS-CBN lamang ang may malakas na reception (signal) duon. so, sa ganang akin mukhang tama nga ang puna ng ilan sa ating mga kababayan na kung anong putahe na lamang ang ihain ng mga tv stations na ito ay yun na lamang ang pilit nilang lulunukin sa kadahilanang wala naman silang mapagpipilian. most of the cable operators in bicol they told me only offer cable shows/channels to residents from the major cities and not in the barrios, especially remote ones. so, i guess not only in terms of shows and programs being offered to the general public, our country is lagging behind but also in the way this shows and programs are offered to the general public as well.

Avatar

scud_1975

May 15th, 2006 at 8:30 pm

we have same observations short_talk. Ang nanay ko na nasa Bicol mas gusto panoorin ang Wowowee, tinanong ko kung bakit hindi Eat Bulaga ang sagot dahil ABS-CBN lang daw ang may reception.

Sa madaling salita, ‘wag natin ikumapara ito sa “Law of supply and demand” ng Economics. Dahil hindi naman malalaman ng mga Pinoy ang mga “distractions” na gaya ng mga ito kung hindi pangungunahan ng malalaking media outfits gaya ng ABS-CBN at GMA. Never na nag-demand ang mga Pinoy ng mga Imported Telenovelas, ang mga ganid lang sa pera na gaya ni Lopez ang pilit na nagbigay sa atin dahil alam nila ang kahinaan ng mga pinoy. Matagl na natin silang hinihingian ng Discovery Channel, National Geographic, Sesame Street..eh bakit hindi nila kayang i-import. Ganito bang mga klaseng Filipino Businessmen ang pinuproteksyunan natin sa Konstitusyon kaya ayaw natin buksan ang 100% ownership para sa mga dayuhan?

Avatar

k4mo

May 18th, 2006 at 10:47 pm

anyways, to answer all of your question, blame our lazy scriptwriters.

stoxbnx3, you got a point there.

Avatar

Toro

May 19th, 2006 at 9:51 am

Scud, ang Discovery Channel, National Geographic, at iba pang high-end TV programs ay mapapanood sa cable TV pero ito’y maybayad na through cable TV subscription gaya ng Skycable, Destiny, Home or Dream. Hindi naman pwedeng libre ipalabas ang mga ito, tulad din ng mga imported telenovela, dahil mga copyrighted at syndicated ito at tulad ng intellectual property kailangang bayaran ito kasi nga gagamitin din ito for commercial purposes. Maging ang mga foreign TV programs na mapapanood sa regular daily TV programming sa lahat ng channels ay binabayaran din ng mga TV stations ang pagpapalabas nito. Ito ang napapanood natin na walang bayad, tulad din ng NBA games, boxing, golf at tennis, at iba pa.. Bumabawi lang ang Station sa mga sponsors nito.

Sa mga nagtataka bakit maraming imported telenovela ang nagkalat ngayon, ito’y dahilan na mas higit na mahal ang local costs of producing a telenovela kay sa imported. Natuklasan din ng mga producers na kung ano man ang popular na telenovela sa Korea, Taiwan, o kung saan man, ay tiyak na magiging popular din sa Pilipinas. This is the main reason na sinabi sa akin ng isa kong kaibigan na taga pamahala sa marketing ng isa sa dalawang pinakamalaking TV channels. He agrees with me though that this practice makes some people jobless, but that’s how it is in business. I warned him this could inevitably raise some issues among the labor groups to protect the TV talents and workers from being sidelined by the importation of telenovelas.

This is show business and profitability, as in any business, is the objective, he said. Shows that some classify as B or even C in their taste maybe A to a lot of people and this is what is important to the producers. Shows that are popular to the greater audience bring in the profits. Of course, there are limits to what they can do specifically on moral concerns and they are guided by the strict rules of MTRCB. .As regards opening the business 100% ownership to foreigners, well, that’s another story.

Avatar

scud_1975

May 19th, 2006 at 10:44 am

Agree Toro, totoo naman na hindi libre kung ipapalabas ang Discovery Channel, National Geographic, etc. sa local channels. Pero gaya nga ng sinabi mo, their main objective is profitability. Parang “franchising” din lang yan eh, bakit ang “Big Brother” nakabiili sila ng prangkisa sa Netherlands..ibig sabihin, may pera sila at alam nilang mas malaki ang kukubrahin sa pagpapalabas ng Pinoy Big Brother kahit wala naman kwenta at walang matutunan dito. Kumbaga, may pera sila para magpuhunan ng “organic foods”..pero ayaw nilang ihain sa mga pinoy kasi bukod sa mahal na, maliit pa ang tubo. Mas gusto nila magbenta ng “junk foods”, kasi masarap at mura kahit walang sustansya.

Avatar

maruja1575

May 20th, 2006 at 1:16 pm

the cheapest medium of entertainment today is television.Sa mas nakakaraming bilang ng ordinaryong pinoy na walang inatupag sa buhay kundi kumayod natural lang n mglibang kahit papano. Pgkagaling ng trabaho, uupo sa salas at bubuksan ang tv..then presto,makakapanood ka na nga nakakatawa, nakakaiyak,minsan nakakagalit ng K-dramas..Palipat lipat ng channel kung anong magustuhan.Pagkatapos ng sandaling ligaya sa panonood ng tv,magpapahinga para panibagong bukas na susuungin…That’s routine life of pinoys and watching tv nowadays is basically part of it.

Avatar

loudzZ

May 26th, 2006 at 6:55 pm

Naku ha,pati ba naman yon kaligayahan ng mga pinoy ay ipagkakait pa natin.mabuti na ito kaysa makukunsumi lang tayo sa pakikinig sa mga alepores ni gloria kung anu-ano ang iniisip,kung sinu-sino dinadampot o kaya pinagbibintangan na nagplaplano patalsikin,papatay sa kanya o magkudita na ang ebidensya ay gawa-gawa nila.natatakot sla sa sarili nilang multo.hehehe ang kaibahan dito sa korean nobela ay madaling matapos kakaunti ang nagsisipag ganap at di nating nalalaman kung ano ang susunod na manyayari samantala sa pinoy nobela,matagal matapos kung saan-saan napupunta ang estorya,maraming tauhan paligoy-ligoy ang kuwento at alam na alam mo ang susunod na nangyayari.

Avatar

Josh Josh Buenaventura

February 19th, 2013 at 10:37 am

Teleserye Versus Koreanovela….my comparative study in my thesis :)

Avatar

red sex monster

August 19th, 2013 at 12:39 am

My spouse and I stumbled over here coming from
a different website and thought I might check things out.

I like what I see so now i am following you. Look forward to checking out your
web page for a second time.

Comment Form